TPO (Tropang Pasaway Organization)
Well, Actually, may secret ako ;) kasi nung 2nd year HS ako, MAY FRAT AKO!! Nakikipag-away sa iba’t ibang school, Nagiiskip sa klase, color coding ng panyo, nambubully ng mga mulala at may taga-kolekta pa ng buwis (AT AKO YUN! treasurer ako ng frat ko ehh) ANG ANGAS KO DIBA? MWAHAHAHAHAHAHAHA >:)))))))))
Pero syempre, joke lang yun :D Pero totoo yan :D (hah?! pweh!) Dahil isa akong mabait na mag-aaral nung HS, lahat ng sinabi ko sa taas, TOTOO, maliban sa sinabi kong may frat ako :) kasi di naman kasi talaga sya frat eh (Medyo malapit lang ^.^) Ang tawag namin sa grupo namin, T.P.O. aka TROPANG PASAWAY ORGANIZATION/TOKPU ORG.
Nagsimula ang lahat kay KYBEN, ang dakila naming kaklase na amoy %^@##$!!! Ayun, sa sobrang lakas namin mang-asar, nakagawa tuloy kami ng grupo.. at yun na nga ang T.P.O. ^&^ anim lang kami nung una (yung buong line ng kinauupuan ko at isa sa sarap namin).. pero nung kinalaunan, halos buong klase at maging sa ibang section nagkaron na kami ng myembro :D Syempre dahil malupit nga kami, may Hazing sa amin. Sa girls, fifteen na patak ng kandila tapos hampas ng tsinelas at sa boys… ganun din pero imbis na tsinelas hampas naman ng kahoy na makapal (sa kamay).
Ang dami naming ginawang kakulitan nung mga panahong yun! Every week end, tatambay kami sa bahay ni Fenela, na minsan may kasama pang inuman (kekekeke~~ >:D) Nasubukan na rin naming mag scape sa klase (at pinagawa ng letter yung mga magulang namin dahil halos lahat ng girls hindi pumasok ng hapon >:DDDDD) Meron din kaming outing every once in a month (syempre, dahil sa kinokolekta ko na P10 araw-araw :P) at ang pinakamalalala, nang napahamak ang buong batch namin dahil yung isa naming baliw na tropa na itago na lang natin sa pangalang Judiel ay nagpaputok ng BOGA habang sumasayaw ang cheerdancers namin nung sportsfest (effects daw kasi yun! lololol)
Sobrang kawawa sa amin ang mga teachers namin, may mga umiyak pa nga gawa ng mga pang-aasar ng mga boys :))))) Kaya syempre, lagi kaming binubungangaan ni bone thugs aka maam Lopez (Ang pinakamamahal naming Adviser <3) Lagi niya kaming sinesermonan at pinapauwi ng super late na!! Pero kahit na ganun, mahal na mahal namin at alam naming mahal niya rin kami :D alam mo kung bakit? Kasi sa tuwing pag katapos niya kaming pagalitan, papapuntahin na niya sa harap ang mga bakla naming kaklase para masayahin naman kaming lahat :D (See? Ang sweet niya diba?! <3 <3 <3)
Naging super masaya ang klase dahil lahat kami naging super close! Lahat asaran lang ng asaran! at kapag recess, ayun lahat kami wala sa proper seats, at yung iba, nasa labas :) Simula sa president ba naman hanggang sa pinakamulalang tao sa klase, member ng T.P.O. Cool diba?! :DD Kami nga daw ang pinakamaingay, magulo, maangas, mataray, malokong section ng second year ng batch namin :D Pag sinabi mo lang na taga “II-Virgo” yan.. ang automatic na sagot “aaahhh.. kaya pala” LOLOLOLOL. pero wag ka!! proud kaya kami!! :D Pero ang pinakaimportante sa lahat ng yun, magulo man kami, ayaw man sa amin ng mga teachers namin (pwera syempre sa adviser namin :D) Nakakilala kami sa isa’t isa ng totoong mga tropa :) Yung mga taong basag ulo man, makakausap mo pa rin sa seryosong usapan.. Yung hindi ka iiwan kapag may hinanakit kang nararamdaman.. Yung masasabi mong tropang panghabambuhay :) Kaya naging super saya talaga ng 2nd year life ko dahil sa kanila :D
Sooooo……………………. Bakit ko kinukwento to???
Wala lang naman, nakausap ko kasi ang dalawa sa kanila kanina sa phone :D Natutuwa lang ako :D hahahahahahahaha. Natuwa talaga ako kasi kahit na super tagal na nun, nung nakausap ko si Mariz at Kuia Edvin kanina, parang wala pa ring nagbago.. Yung mga tawa at kulitan, ganun pa rin :D Hindi ako nanibago kahit kanina ko na lang uli sila nakausap :) At sure akong yung iba din, di man kami nagkakakitaan at nagkakausapan, alam kong kapag nagsama-sama uli kami, sure akong magiging masaya pa rin, katulad ng dati :) Kaya I’ll be looking forward for that day <3 Sana magkaroon na sila ng time para makauwi dito sa ‘gapo at makapagreunion na kami :DDDDDDDDD Sasabog na naman kami for sure!! :D alam mo kung bakit?? kasi…. TPO ay THE BEST!!
-
leahlasley likes this
-
dayneshishi posted this







